Confessions of an Ex-Jesuit


FACEBOOK LIVE: CONFESSIONS OF AN EX-JESUIT… CLICK TO WATCH ON MARCH 5, 8PM MANILA TIME

A Journey to Wellness
Book 1: Faith, Communication and Healing by Ibarra M. Gonzalez, PhD

San Anselmo Publications​ is giving away three copies of the book.

HOW TO WIN A FREE COPY​:

Join Fr. Ibarra and Rom in the studio and comment on the discussion. To access the studio click on the link https://app.belive.tv/62162/guest . Signify your intention to join by writing your address on the comment box of this live video​.

IBARRA GONZALEZ WILL CHOOSE THE 3 MOST ENGAGING COMMENTS BEFORE THE BROADCAST ENDS​

If you’re happy with this project , you may wish to support its FB Live broadcaster by becoming a patron https://www.patreon.com/romcumagun

The Story of a Prudent Nurse


FACEBOOK LIVE The Story of a PRUDENT NURSE
by Joel “Jong” J. Clemente, JVP Batch 11( Joel Jong Clemente) MARCH 4, 9PM TEXAS TIME, MARCH 5, 11, AM MANILA TIME

The Story of a Prudent Nurse shares stories of his experiences and lessons in life that make him a radical and unique individual in loving service to God and others.

If you’re happy with this project , you may wish to support its FB Live broadcaster by becoming a patron https://www.patreon.com/romcumagun

THE FILIPINOLOGIST


You’re invited to an FB LIVE interview of FILIPINOLOGIST Gerome Nicolas Dela Peña FEB 20 9PM (Manila Time)

Professor FILIPINO LANGUAGE, Our Lady of Fatima University (Antipolo), Graduate student FILIPINOLOGY, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Gerome, will share his work as “Makata. Manunulat. Artista. Guro. Mananaliksik. Tagapagtanggol ng Wika at Bayan (Poet, Writer, Artist, Teacher, Researcher, Protector of Filipino Language & Nation).” Arvi Albaracin, 2nd year college student major in Elementary Education joins the conversation on THE FILIPINOLOGIST

Gerome will also share His latest book of essays, BRIEF MOMENTS, which will be launched this February. An excerpt from the book: TAMPURURUT

MATINDI KONG PROBLEMA noong bata pa ang pagpapatawad. Hirap na hirap ako. Parang pagkain ng sayote, o upo. Hindi malunok-lunok. Kahit simpleng mali lang ang nagawa sa akin, hinding-hindi ko maialis sa isip. Parang kati-kating paulit-ulit lamang kinakamot—mamumula, magsusugat. Kahit pa sabihing sagrado katoliko ang pamilya ko at maagang naituro sa akin ang konsepto ng makailang ulit (pito hanggang pitumpu’t pitong beses o higit pa) na pagpapatawad at muling pagtanggap. Wa epek pa rin. Ang simpleng inis, instantly, nagiging poot. As in. Kaya noon, sobrang iyakin ako. Hirap din akong tanggapin ang katotohanang ito. Pero patago lang. Madalas, sinasarili. Laging pagkatapos kong ma-offend o masaktan. Ganoon ang proseso ng rituwal. Kailangang ako lang ang makakikita, o basta mailabas ko nang ako lang (extremeties nga, sa isang lugar na hindi ako pamilyar, o sa sobrang pamilyar gaya ng mismong kuwarto o banyo sa 1st floor namin) or else, mas lalala. Sanay na hindi makipagpansinan. Walang kibuan habambuhay. Hindi lang naman pala iimik eh.

Subalit nang matuto akong magsulat (kahit pa hanggang ngayon, hindi ko pa rin masabing marunong na talaga ako), nabawasan ang pagtatanim ko ng galit (o tampo lang naman talaga) na madalas, wala naman akong inaaning mabuti o maganda. Ang moda, dadamputin ang notebook na laging dala sa bag, o sa kahit anong papel na maaaring sulatan, o haharap sa laptop; titipa-tipa sa MS word ng kahit ano. Free writing lang talaga. Mga salita hanggang makabuo ng pangungusap. Pangungusap hanggang talata. Wala munang edit-edit. Walang pakialam sa grammar o sa mga typo engot (nakuha ko ang terminong ito sa prof ko sa college sa statistics na hawi nang hawi ng buhok habang nagtuturo). Babalikan na lang matapos ituon ang sarili sa ibang bagay na mas priority sa araw o oras na iyon. At voila! Matapos sumpungan ang pagsulat na lagi na lamang ginagawang Armando Caruso, o bff na paulit-ulit na nagagalit sa ibinabahagi nating katangahan sa mundo (pero lagi rin namang nakikinig at nagpapahiram ng balikat), mapagtatantong maikli lang ang buhay sa tampo-tampo. Hindi na rin bumabata. Sa totoo lang uli, dahil nakararamdam na ng iba’t ibang sakit sa katawan, damdamin, kaluluwa.

Gusto ko lang pasalamatan ang pagsulat, o mas maganda sigurong sabihin, ang panitikan sa pangkabuuan. Hindi na ako matagal kung magalit, magtampo. Salamat din dahil ‘di ninyo lang ako pinatuloy sa bahay ninyo. Itinuring ninyo pa akong kapamilya. Pinakain. Pinatulog. Kinumutan. Tinutukan pa ng electric fan. Minsan, may breakfast on bed pa nga. Pero siyempre, pinaghugas din ng pinggan. Pinaglaba. Pinaglinis ng sala. Pinag-isis ng mga dumi. Ng banyo. Ng mesa. Ng altar. Ng bodega. Pinaranas na hindi madali ang maging kabahagi. Kabatak. Kaisa. Kasama.

Ang problema ko na lang, kung paano ko pa makakalimutan ang kabutihang ito sa akin ng pagsulat, o ng panitikan. O baka kapag pinilit kong lumihis ng daan o pilit na kalimutan, sarili ko na ang hindi ko kayaning mapatawad.

Kaya naman, asahan ninyo nang mas marami pa akong aakayin sa hiwagang matatagpuan sa tapat ng inyong pintuan. Huwag kayong mag-alala, marunong naman sila sa gawaing bahay.